Subscribe
Add to Technorati Favourites
Add to del.icio.us
August 10, 2009

Endangered

Posted by Joco

Nitong linggo, habang nagsisimba ako ay ganun na lang ang pagtataka ko kung bakit hindi nagbigay ng homily yung paring nagsesermon na nasa harapan namin. Isang binatilyo ang pinagbigyan nya ng pagkakataon na makapag salita sa harapan, isang binata na sa kaunting panahon na lang ay magiging ganap na pari na rin. Isang paanyaya ang kanyang gustong ipahatid sa kanyang mga tagapakinig, paanyaya sa mga kagaya nyang may kagustuhan na maglingkod sa simbahan sa darating na panahon.

Noong nakaraang Metro Manila Conference sa baguio, isa sa mga binuksan nilang workshop para sa mga singles ay pinamagatan nilang "Crossroads", tunog pag gangster, unang pumapasok sa utak ko kapag sinasabing Crosscroad ay ang Bone Thugz N Harmony, mukhang masaya at cool. Pero dahil may natunugang kakaiba itong si toper na kasama namin ay hindi na kami nagbalak mag register sa workshop na yun, dahil sa isang banda ay nahulahaan din namin kung ano ang pwedeng ituro sa workshop na yun, at hindi nga kami nagkamali, tungkol nga yun sa pagtawid papunta sa pagpapari o pagmamadre. Wala kasi sa amin ang may balak tumungo papunta sa pagpapari kaya hindi na kami nagsayang ng oras para salihan yun. Inenjoy na lang naman yung kinuha naming worksop, yung Nature's Talk. Madami din namin akong natutunan sa talk na yun, kaya bawal na akong magkalat ngayon, bawal ng magtapon ng basura sa maling lugar at bawal ng umuhi sa kung saan saan.

Madami na silang ginagawang gimik, madami silang gustong gawin para ipaalam sa lahat na kulang na nga ang mga pari dito sa atin, napatunayan ko na din yan. Gaya na lang nung nakaraang Metro Con, tatlong pari lang ang nakuha nila, at sa maghapon na confession ay silang tatlo lang ang nakita kong nasasabihan ng mga kasalanan ng kung sino sino. Nag almusal ako, nananghalian at hanggang sa paghahapunan ko ay silang tatlong pari pa din ang nakita kong patuloy na naghuhugas sa mga kasalanan ng mga kapatid natin, Hindi man lang sila napalitan, ihi nga lang yata ang pahinga nila. At gaya din dito sa parokya namin ay halata naman na kulang na kulang na din ang mga naglilingkod.

Nasaan na nga ba ang mga kabataan na umaambisyon na mangaral sa mga nakakarami? Parang nawawala na din sila, dahil siguro sa dumadami na din ang mga bagay na naglalabasan na nakakapag pademonyo sa mga utak nila, madami na din sa kanila na habang nasa mga murang edad pa lang ay hindi na makatakas sa kasalanan na ibinigay sa kanila ng mga makamundong pagnanasa. Sino nga ba naman ang mas pipiliin ang makulong sa isang kumbento kesa sa manuod ng mga malalaswang video na mabibili natin ng tumpok tumpok sa Baclaran o sa Quiapo? Sino nga ba naman ang mas gugustuhin ang pag aralan ang bibliya kesa sa sumama sa mga barkada na gumimik sa mga maiingay na bar? Ako man ay hindi ko nanaisin na makulong sa isang kumbento kasabay ng pagkakulong ng aking kaligayahan sa sarili kong katawan.

Pero kung pagiisipan talaga natin itong mga nangyayaring ito ay nakakaalarma na talaga. Nasan na nga ba sila? Alam ko naman na madami pa din sila ngayon. Kaya kung sino man ang malakas pa din ang paniniwala na kaya nilang paglabanan ang mga kasalanan dito sa mundo, pakiusap ko naman sa inyo na mag pari na lang kayo, paubos na kasi talaga sila. Punta na kayo agad sa inyong parokya, wag sa parokya ni edgar kundi sa parokya ng lugar nyo, at magtanong agad kung pano kayo magiging isang ganap na pari. Malaki din ang kita sa pagpapari saka libre ang tinapay at alak dun. Sige na naman, Kasi kung hindi kayo magpapari ay pipilitin ako ng nanay kong magpari. hehe biro lang. Pero sige na naman, kayang kaya nyo na yan. Good luck ha.

10 comments:

tsenn` said...

naalala ko si mam ko nun sa ojt,
nafeel daw niya na parang gusto niya magmadre,
ayun may kumontra sa kanyang opismeyt,
pinagsisihan niya tuloy na hindi xa nakinig sa instinct niya.. pero single pa rin xa gang ngayon..

kuya sa last misa for cory more than a hundred priests ung nasa likuran ng bishop para magassist.

Joco said...

ate chennn kulang pa din yun, sa dami namang simbahan sa pinas eh..

DRAKE said...

Pangarap kong maging pari noon,kaya lang nung medyo namulat na ako sa mundo medyo malabo na ata yun ngayon.

Nahilig kasi ako nun sa mompo at ostya, hehehe para ka lang nasa inuman.

ingat

Hari ng sablay said...

sige pre dahil sa sinabi mong libre ang alak at tinapay sa pagpa-pari,bukas na bukas din papasok ako ng seminaryo,hehe

pero duda ako, may maniniwala kaya sa akin dun? at pag nging pari ako makikinig ka kaya sa mga sermon ko?hehe pero tama ka tsong malaki nga kita ng pari,

tsaka pwedi na ngayong tumakbo ang pari sa pgkpresidente,tulad ni gov. manong ed panlilio, lam mo bang malabo siyang manalo pagka-presidente?kawawa ang pinas,dahil pag nagkataon...walang first lady,lols...

parang nsa kanto lng tayo nito,tagay pa tagay!hehe

Anonymous said...

andyan lang sila.. hindi pa lang dumadating ang calling nila.

Superjaid said...

ano bang mangyayari lolo joco kapag dumami ang mga pari?hehehe ngapla walang kita ang mga pari noh, lahat ng ginagamit at kinoconsume nila puro bigay at hindi sahod..

ROM CALPITO said...

parekoy pag nagpari si pareng sablay mag pari narin ako
wag kang kokontra parekoy hehe

usapang lalaki lang said...

madaming simbahan pero madami ding nagsisimba? hehe

Anonymous said...

hahaha.. nkakatawa yung comment ni hns! hahaha.. bka nga walang maniwala sknya! hahaha.. naalala ko tuloy si padre damaso.

princejuno said...

mind to answer this question
open question