Nitong linggo, habang nagsisimba ako ay ganun na lang ang pagtataka ko kung bakit hindi nagbigay ng homily yung paring nagsesermon na nasa harapan namin. Isang binatilyo ang pinagbigyan nya ng pagkakataon na makapag salita sa harapan, isang binata na sa kaunting panahon na lang ay magiging ganap na pari na rin. Isang paanyaya ang kanyang gustong ipahatid sa kanyang mga tagapakinig, paanyaya sa mga kagaya nyang may kagustuhan na maglingkod sa simbahan sa darating na panahon.
Noong nakaraang Metro Manila Conference sa baguio, isa sa mga binuksan nilang workshop para sa mga singles ay pinamagatan nilang "Crossroads", tunog pag gangster, unang pumapasok sa utak ko kapag sinasabing Crosscroad ay ang Bone Thugz N Harmony, mukhang masaya at cool. Pero dahil may natunugang kakaiba itong si toper na kasama namin ay hindi na kami nagbalak mag register sa workshop na yun, dahil sa isang banda ay nahulahaan din namin kung ano ang pwedeng ituro sa workshop na yun, at hindi nga kami nagkamali, tungkol nga yun sa pagtawid papunta sa pagpapari o pagmamadre. Wala kasi sa amin ang may balak tumungo papunta sa pagpapari kaya hindi na kami nagsayang ng oras para salihan yun. Inenjoy na lang naman yung kinuha naming worksop, yung Nature's Talk. Madami din namin akong natutunan sa talk na yun, kaya bawal na akong magkalat ngayon, bawal ng magtapon ng basura sa maling lugar at bawal ng umuhi sa kung saan saan.
Madami na silang ginagawang gimik, madami silang gustong gawin para ipaalam sa lahat na kulang na nga ang mga pari dito sa atin, napatunayan ko na din yan. Gaya na lang nung nakaraang Metro Con, tatlong pari lang ang nakuha nila, at sa maghapon na confession ay silang tatlo lang ang nakita kong nasasabihan ng mga kasalanan ng kung sino sino. Nag almusal ako, nananghalian at hanggang sa paghahapunan ko ay silang tatlong pari pa din ang nakita kong patuloy na naghuhugas sa mga kasalanan ng mga kapatid natin, Hindi man lang sila napalitan, ihi nga lang yata ang pahinga nila. At gaya din dito sa parokya namin ay halata naman na kulang na kulang na din ang mga naglilingkod.
Nasaan na nga ba ang mga kabataan na umaambisyon na mangaral sa mga nakakarami? Parang nawawala na din sila, dahil siguro sa dumadami na din ang mga bagay na naglalabasan na nakakapag pademonyo sa mga utak nila, madami na din sa kanila na habang nasa mga murang edad pa lang ay hindi na makatakas sa kasalanan na ibinigay sa kanila ng mga makamundong pagnanasa. Sino nga ba naman ang mas pipiliin ang makulong sa isang kumbento kesa sa manuod ng mga malalaswang video na mabibili natin ng tumpok tumpok sa Baclaran o sa Quiapo? Sino nga ba naman ang mas gugustuhin ang pag aralan ang bibliya kesa sa sumama sa mga barkada na gumimik sa mga maiingay na bar? Ako man ay hindi ko nanaisin na makulong sa isang kumbento kasabay ng pagkakulong ng aking kaligayahan sa sarili kong katawan.
Pero kung pagiisipan talaga natin itong mga nangyayaring ito ay nakakaalarma na talaga. Nasan na nga ba sila? Alam ko naman na madami pa din sila ngayon. Kaya kung sino man ang malakas pa din ang paniniwala na kaya nilang paglabanan ang mga kasalanan dito sa mundo, pakiusap ko naman sa inyo na mag pari na lang kayo, paubos na kasi talaga sila. Punta na kayo agad sa inyong parokya, wag sa parokya ni edgar kundi sa parokya ng lugar nyo, at magtanong agad kung pano kayo magiging isang ganap na pari. Malaki din ang kita sa pagpapari saka libre ang tinapay at alak dun. Sige na naman, Kasi kung hindi kayo magpapari ay pipilitin ako ng nanay kong magpari. hehe biro lang. Pero sige na naman, kayang kaya nyo na yan. Good luck ha.
About Me
Followers
Blog Roll
Woot woot! nandito na ko ulit. Naglipat bahay lang kaya siguradong kilala nyo na kung sino ako. Pero kung wala pang tumatakbo sa utak mo kung sino nga talaga ako, eto at bibigyan kita ng kaunting impormasyon tungkol sa akin.
Nasl? Joco, 24, M Paranyake.
Ayan na, wala na akong ibang maibibigay bukod dyan.
Masaya ako at makakapag kwento na ulit ako, hindi na mapapanis ang laway ko at maiiwasan ko na din na basta na lang mangalawang ang kwento sa utak ko. Gaya pa din ng sinabi ko bago ako umalis, ayoko pa din magpaliwanag kung bakit ko iniwanan yung dati kong tambayan, basta masaya ako at nabuhay ulit ako.
Pwede na ulit akong mag umpisang makipag kwentuhan sa inyo. Ito na ulit ang simula.
Subscribe to:
Posts (Atom)